Nasaan na?

  1. Gagamba Derby

Ang mga kabataan noong panahon ng 1900s ay mahilig sa larong gagamba. Ito ay isang laro na katulad ng sabong ng manok kung saan na imbis na mga manok ay mga gagamba ang pinaglalaban. Ang dalawang gagamba ay inilalagay sa isang “stick” na manipis at pinaglalaban. Ang gagambang unang sumuko ang siyang kinikilala na talo sa laban. Ang mga batang tumaya sa nanalong gagamba ay makakakuha ng kalakip na premyo. Ito ay tinuturing na pangbatang sugal na usung-uso sa mga probinsya noon.
Ang larong “gagamba derby” o “gagamba wars” ay tinuturing ng latak sa ngayon. Halos sa mga probinsya ay wala ng naglalaro ng mga larong kalye at larong pinoy dahil sa pag-usbong ng ibang larong mas angkop sa henerasyon ngayon tulad ng mga computer games at indoor games na bilyar at iba pa. Sa pag-usbong ng ibang laro na mas tinatangkilik na mga kabataan ngayon, unit-unti ng nawalan ng pagkilala ang laro na dati ay sikat sa kabataan. Mas pabor sa mateknolohiyang laro ang bagong henerasyon kung kaya’t mas ninanais nila ang mga makabagong laro. Isa na nga rito ang gagamba derby. Isa na rin sa rason kung bakit nawawala na ang pilipinong laro na ito ay dahil unti-unti na din nawawalan ng mga puno at lugar kung saan makakikita ng mga gagamba. Wala na ang mga puno na sinasabitan ng mga gagamba. Kung gayon saan pa ba natin sila makikita?

- Marie Grace Izabelle Sia

    Gagamba Derby

  2. Dahon Ng Bayabas

Sa paglipas ng panahon, ang agham ng pagsaliksik sa pinakamabisang gamot o pangmanhid sa mga sugat ay mabilis na umuunlad.  Ang mga makalumang gamot hango sa mga halaman ay nagiging pangalawa kung hindi huling sagot.  Ang isang sa mga halamang ginagamit bilang gamot ng mga Pilipino ay ang dahon ng bayabas.  Ito ay napakaraming gamit mula sa paghilom ng sugat hanggang sa pagbigay nito ng mayamang Vitamin C.  Dahil nga sa mabilis na takbo ng panahon, ito ay unti unting nakalilimutan dahil sa kagustuhan ng karamihan sa mabilis at mas epektibong resulta. Ngunit kung iisipin natin ulit, mas makagaganda sa katawan natin ang mga hango sa halaman o mga herbal na medisina para sa pangmatagalan na kalusugan.

- Niquie Angelo

    Dahon Ng Bayabas

  3.  
Abaniko

Itinutukoy ng abaniko ang tradisyunal na pamaypay na gawa sa mga dahon ng halamang abaniko. Hugis puso ang anyo nito at madalas nilalagyan ito ng iba’t ibang kulay, tulad ng dilaw at mga disenyong parang rosas. Madalas gamitin ito ng mga babae noong panahon pa lamang ng mga Kastila. Ang abaniko rin ay isinasama sa kabuuan ng pambansang kasuotan ng babae sa Pilipinas. Kasama sa imahe ni Maria Clarang naka baro’t saya ang nakatakip na abaniko sa may dibdib.
Bihira na lamang makakita ng dalagang babae gumagamit ng abaniko bilang sa pag-unlad ng mga elektronika tulad ng air conditioner, electric fan at kahit yung portable electric fan. Maaari rin na dahil sa global warming, karamihan sa mga tao hindi na gumagamit ng abaniko bilang hindi na rin sapat ang bentilasyong naibibigay ng abaniko para sa kanila.

- Pau Fucoy

    Abaniko

    Itinutukoy ng abaniko ang tradisyunal na pamaypay na gawa sa mga dahon ng halamang abaniko. Hugis puso ang anyo nito at madalas nilalagyan ito ng iba’t ibang kulay, tulad ng dilaw at mga disenyong parang rosas. Madalas gamitin ito ng mga babae noong panahon pa lamang ng mga Kastila. Ang abaniko rin ay isinasama sa kabuuan ng pambansang kasuotan ng babae sa Pilipinas. Kasama sa imahe ni Maria Clarang naka baro’t saya ang nakatakip na abaniko sa may dibdib.

    Bihira na lamang makakita ng dalagang babae gumagamit ng abaniko bilang sa pag-unlad ng mga elektronika tulad ng air conditionerelectric fan at kahit yung portable electric fan. Maaari rin na dahil sa global warming, karamihan sa mga tao hindi na gumagamit ng abaniko bilang hindi na rin sapat ang bentilasyong naibibigay ng abaniko para sa kanila.

    - Pau Fucoy

  4. Panyo na May Burda

Dati, sa kultura ng Pilipinas, makikita ang nagdagsaang mga “name print” o mga burda ng pangalan sa mga abaniko, sa mga white t-shirt, sando, medyas, punda ng unan at pati na rin sa facetowel. Ang mga nasabing bagay ay napakadominanteng gamitin sa isang tropical na bansa katulad ng Pilipinas. Marami ang mga gumagamit at nagmamay-ari ng mga ganitong maliliit, ngunit importanteng bagay sa mga Pilipino at para maipakita ang pagmamay-ari, binuburdahan na mismo ito ng pangalan ng may-ari at paminsan sa iba’t-ibang disenyo pa para hindi magkalituhan kung may kaparehong pangalan. Na-eendanger na itong pagbuburda ng pangalan dahil unang-una sa lahat, ito ay inaassociate na pang-“lola” (dahil karaniwang sila mismo ang nagtatahi nito), o di kaya’y pang-“sinaunang panahon” pa, at kalimita’y “jologs” “kung tawagin. Kaya ang sinumang makitaan ng ganito ay mahihiya at tatawagin pa minsang “probinsya” dahil hindi na niya alam ang “in” at kung ano ang pagka-modernidad. Sa isa pang banda, ang mga nabanggit na bagay sa itaas ay hindi na rin naman masyadong “high-valued” dahil kayang-kaya nang mabili ito dahil sa kamurahan nito. Kaya ang mga nagmamay-ari nito ay hindi na ganoong pinopersonalize pa ang mga nasabing pag-aangkin. At dahil nga sa mas pagkamoderno ng mga bagay-bagay na karaniwang ginagamit, wala nang nakikipagtunggali sa ganitong praktis, kundi sadyang inaalis na ito para iiwan na ang pagka-“jologs”, ika nga. 

- Angela Pagkalinawan

    Panyo na May Burda

  5. Last Supper Sa Kainan

Isa sa mga pinakatanyag na gawa ni Leonardo da Vinci ay ang Last Supper. Ang orihinal na painting ay nakalagay sa dining hall ng monasteryo ng Santa Maria delle Grazie sa Milan, Italy.
Kilala ang mga pamilyang Pilipino sa paglagay ng imahe ng Last Supper sa pagkainan ng kani-kanilang mga tahanan. Ang kaugaliang ito ay naka-ugat sa impluwensiya ng Katolikong relihiyon sa mga Pilipino. Ngunit, sa paglipas ng panahon at dahil na rin sa pagpasok ng kaisipang makabago, malimit ng nakikita ang ganitong kaugalian sa mga tahanan ng mga pamilyang Pilipino. Ang mga bahay ngayon ay ginagamitan na ng interior decoration kung saan nagiging moderno na ang konsepto ng mga bahay at hindi na bumabagay ito. Kadalasan na lamang makikita ang ganitong kaugalian sa mga lumang bahay tulad ng bahay ng mga nakatatanda.

- Karissa Alivia

    Last Supper Sa Kainan

  6. Plantsang De Uling

 Noong wala pang masyadong kuryente sa bansang Pilipinas, ginagamit ang isang mabigat na plantsang gawa sa bakal na may lalagyan sa loob upang lagakan ng uling. Mabagal at nakapapagod ang proseso ng pagplantsa gamit nito. Habang pinaplantsa ang mga kasuotan ay inihihiga ang damit sa sinapinang-dahon ng saging upang bumango ang mga ito at maging madulas ang paghagod. Wala itong pihitan para makontrol ang sidhi ng init. Kinakailangan din ang pagpahid ng wax galing sa kandila upang maiwasan ang pagkakalawang ng plantsa. Ngunit, tuluyan na itong nawala noong nagkaroon na ng kuryente at dahil dito, madaling natutuhan ng mga Pilipino ang paggamit ng karaniwang plantsang sinasaksak o ang “electric flat iron,” na ginagamit pa rin hanggang ngayon. Kaunti na lamang ang gumagamit ng Plantsang de Uling o di kaya ay binebenta na lamang ito bilang isang antigo.

- Jen Ti

    Plantsang De Uling

  7. Ang Karitela

Tinatamad ka bang magmall? Tinatamad ka bang gumala para lamang bumili ng bayong, bilaong, at banig?
 Huwag mag-alala!
 Hindi mo na kailangang magmall, ang mall ang lalapit sa iyo!
 Nakakita ka na ba ng mga kalabaw o kabayo na humihila ng napakahiganteng kariton na punung-puno ng mga gawa sa kamay na produkto? Ang tawag diyan ay karitela!
 Ay ano? Hindi na masiyado? Marahil ito ay dahil sa napakaraming rason, posibleng madumi na masyado ang himpapawid para sa mga hayop, kakaunti na lamang gumagawa ng mga gawa sa kamay na produkto, kakaunti na lamang ang nag-aalaga ng kalabaw at kabayo, may mall naman kasi, may mas magaganda nang produktong gawa ng mga makina, o simpleng hindi na ito uso.
 Sa kabila ng lahat, ito pa rin ay napakapinoy, hindi mo ba nakikita ang mga gawang kamay na produkto? Ang kalabaw o kabayo? Si manong? LAHAT YAN PINOY NA PINOY! Sayang na kakaunti na lamang silang makikita mo sa kalsada.  

- Carlo Intal

    Ang Karitela

  8. Plastic Balloon

Noong bata pa ako, mayroong sari-sari store sa tabi ng bahay ng aking lolo’t lola na nagbebenta ng Plastic Balloon. Ito noon ay isang piso lamang at madalas akong bumibili nito. Siguro noong mga sampung taong gulang na ako, nawala na ito sa tindahan. Ayon sa aking pananaliksik, ito ay may “toxic fumes” palang nilalabas na pwedeng makasakit sa mga naglalaro nito. Ito siguro ang kung bakit bihira na itong nakikita sa mga tindahan.

- Dupsy Rillo

    Plastic Balloon

  9. Holen

Ang holen ay isang pambatang laruan ng mga Pilipino. Gawa ito sa luwad, bato, kahoy at salamin. Maraming paraan kung paano malalaro ang mga holen. Ang pinakasikat na paglalaro dito ay ang bombitahan, kultohan, tayaan at patuan. Nawawala na ang paglalaro sa holen sa kasalukuyan dahil nauso na sa mga kabataan ang mga mateknolohiyang laro katulad ng binibigay ng PS3, WII, XBOX 360 at kung anu-ano pa. Masyado nangg sumikat ang mga “game consoles” na ito kaya madaling namamatay ang paglalaro ng holen.

- Francis Chua Cheng

    Holen

  10. Suyod

Alam mo bang ang suyod na ginagamit kadalasan ng mga matatanda sa atin, na mabisang panganggal ng kuto, ay nanggaling sa mga Intsik?  Ang unang suyod ay nadiskubre noong 1959 sa Shandong-Ninyang sa Tsina, at napatunayang ito ay may tanda na 6,000 taon. (Tingnan mo pa dito)
Akalain mo nga naman?  Hindi na natin ito masyadong ginagamit dahil sa tingin natin ay mas mabisang gamitin ang mga anti-lice shampoo.  Pero kung wala kang badyet para sa mga shampoo na ito, hanapin mo na lang ang nakatagong suyod ng lola mo.  Mahirap na rin kasing makakita ng mga ganito sa suking tindahan.  Sa Binondo kaya, magkano ang mga ito?

- Freya Tuason

    Suyod